Maligayang pagdating sa LimeSurvey. The LifeSurvey.
Ang pinakamagandang online na tool ng survey—wala itong katulad
LimeSurvey ang simple, mabilis, at anonymous na online na tool ng survey na napakaraming insight. Tinatawagan ang mga estudyante, propesyonal, at negosyo: magdisenyo ng survey at makuha ang pinakamagagandang insight. Libre ito at walang kasindali. Gumawa na ng libreng online na survey!
- Kahit ilang sagot
- 80+ wika



Direktang magtanong gamit ang aming libreng tool ng survey
Wala nang mas maganda pang paraan para makipag-ugnayan sa audience mo
Simpleng questionnaire o poll man ang ginagawa mo, naghahanap ka man ng pamalit sa Google Forms o Doodle, o bumubuo ka man ng komplikadong survey na may masasalimuot na panuntunan sa pagpapatunay, kondisyonal na logic, at pangangasiwa sa quota, maibibigay namin sa iyo ang lahat ng tool na kailangan mo. Makukuha mo ang kailangan mong kaalaman at mabilis mong matutupad ang iyong mga layunin sa survey.
Ang pinakamagandang software solution para sa lahat ng iyong pangangailangan para sa survey
LimeSurvey para sa Edukasyon
May mga libreng survey, poll, at iba pang open-source na posibilidad para sa mga builder, creator, at maker ang LimeSurvey kaya ito ang pinakamagandang online na tool ng survey para sa mga surian, unibersidad, at iba pang institusyong pang-edukasyon Isa itong open-source na software na bago, may mga madaling gamiting template, at may nakaantabay na customer service team.
- Kahit ilang bilang ng user
- Pangangasiwa ng kalahok
- System sa pangangasiwa at mga karapatan ng user

Alamin ang lagay ng merkado.
LimeSurvey ang pinakamainam na online na solusyon sa survey para sa propesyonal na market research. Walang limitasyon ang posibilidad sa tulong ng mga questionnaire, poll, live na botohan, at lahat ng iba pang uri ng survey.
- Pangangasiwa sa quota
- Integration ng mga external na panel
- Expression Script

Alamin ang iniisip ng iyong mga customer.
Madaliang gumawa ng mga propesyonal na survey para sa customer gamit ang LimeSurvey: kapag mas marami kang alam, mas maibibigay mo kung ano mismo ang kailangan ng iyong mga customer.
Simple at madaling gamitin ang tool, puwedeng i-integrate ang lahat sa sarili mong website, at magagamit mo ang sarili mong estilo at disenyo.- Integration sa sarili mong website
- Gamitin ang sarili mong domain
- Indibidwal na disenyo

Ang pinakamabilis na paraan para magtagumpay
Ano ang iniisip ng iyong mga empleyado?
Sa LimeSurvey, madali kang makakakuha ng impormasyong kailangan mo para sa iyong pananaliksik.
- Malaking komunidad
- Mabilis na gumawa ng mga unang survey mo
- Simpleng pag-export ng datos

Ang sinasabi ng aming mga user
Malaki ang naitutulong ng software sa pangangalap ng feedback ng mga bisita tungkol sa Ars Electronica, pati na rin sa pagtugon sa naturang feedback.
Martin H.
Ars ElectronicaDahil sa LimeSurvey, nakabuo kami ng komplikadong survey para sa komunidad gamit ang 100% libreng (ibig sabihin, GPL) software…
Nicolas B.
Ubuntu Server TeamLimeSurvey lang ang produktong may kapani-paniwalang accessibility.
Josef S.
Austrian Vorarlberg State GovernmentKorporasyon? Magtulungan tayo!
Sabihin sa amin ang gusto mo at ibibigay namin sa iyo ang kailangan mo.
- Custom na bilang ng tugon/taon
- Custom na storage sa pag-upload
- Corporate support
- Custom na bilang ng alias domain
- Nakalaang server
Lime-years ahead
Mga online na survey para sa anumang badyet at layunin